To My Anna Kareninas ❤️❤️❤️

21 September 2013

Dearest Anna, Karen & Nina:

20130921-211857.jpg

Congratulations girls! Or should I say ladies? Wag muna siguro. Stay young, carefree and happy. Wag nyong madaliin ang pagtanda.

On the way to Yakimix, Nina was asking me last night kung di daw ba ako nalulungkot na tapos na ang Anna Karenina. Sabi ko nalulungkot syempre. But unlike when I was starting na iniiyakan ko ang mga shows ko na nagtatapos, ngayon I see every ending as an opportunity for everyone to grow and succeed more. I also realized that ending a show doesn’t literally mean an end to everything. A lot of the people we worked with in the past kept in touch and remained friends. Maliit lang ang mundo ng Entertainment. Kita mo naman kasama ko kayo pareho ni Barbie sa unang mga shows ko bilang EP.

When they assigned Anna Karenina to us, sobrang excited kaming lahat gawin kasi somehow may idea na kami sa story. Mas lalo pa kami na-excite nong nalaman namin ang casting. Tapos nalipat pa sya sa prime time slot. Pressure nga lang.

Sa umpisa may mga skeptical sa line up ng casting. Ako naman I just started thinking when Sunshine Dizon, Karen herself, told me na parang mas swak daw na si Barbie ang Karen. When we finally made a decision to switch the characters natuwa ako na masaya si Barbie maging Karen at si Krystal maging Anna. But Nina has always been for Joyce. Walang kumontra.

Dahil nagkatrabaho na tayong lahat before, akala ko alam na alam ko na kung ano ang kaya nyong gawin. Pero sa unang araw ng mga tapings nyo nagulat ako kasi pinaghandaan nyo talaga. Iba iba ang atake ng bawat isa sa character. Very unexpected. Overwhelming. Sabi ko ang ganda ng show na to! Lalo pa nong napaiyak nyo ako. Mababaw ang luha ko pero hindi ako madaling maantig. Maluluha lang ako kapag naantig ako. E naluha ako sa mga eksena nyo taping pa lang! Ibang level yon. Hahaha!

Si Anna ang unang sumalang sa iyakan galore na mga eksena. Infairness sa luha mo parang di natutuyo. Umiinom ka lang ng tubig bago umiyak tuloy tuloy na ang luha. Si Karen din pag umiyak parang me gripo sa mata. Sasabihin lang saglit po tapos ayun na ang luha! Susme! Pati naman si Nina, pag lumuha give na give. Partida singkit ka pa. Peace! :p

Of course, mamimiss ko kayong tatlo. Mamimiss ko yong mga hagikhikan nyo at asaran sa standby area na nadidinig ko kahit anlayo ko na sa inyo. Yong mga harutan nyo kahit naka-lapel na kayo, ang iingay nyo lagi. Minsan nagwoworry ako kapag iyakan ang eksena tapos tawanan kayo ng tawanan pag blocking baka di kayo maiyak. Pero awa ng Diyos kahit anong harot nyo pag rolling na in character na ulit. I may not have been always around para makipagkulitan at makipagtsismisan pero alam ko kung gaano kayo ka-close sa isa’t isa. Natutuwa rin ako na magkakaibigan ang lahat, even the other casts are friends too. Naging madali ang buhay namin. Naging masaya ang set kahit puro drama at madalas mabigat ang mga eksena. At tingin ko, that closeness has transcend even on screen kapag may mga eksena kayo. Imagine kung magkaka-away kayo sa set. Malamang katabi nyo ako sa standby area. Hahahaha!

Wag kayo malungkot. We will work again soon. Pero sana habang hindi ninyo kami kasama ay manatili kayong mapagkumbaba at mabait. Alam ko old news na to pero paulit ulit kong sinasabi to sa lahat ng mga artistang mahal ko. Marami ang nabubulag ng kasikatan. Maybe yong iba unconsciously, di nila napapansin and before they realize it nawala na ang ningning nila. Wala na rin gustong makipagtrabaho sa kanila. Palagi nyong iisipin na behind all your success, there are people who worked hard to help you reach where you are. Madaling sabihin na di po kami magbabago pero mahirap panindigan. It would really mean a lot kung puro kind words ang maririnig ko about you girls. So please try to stay grounded. Be kind and I hope you girls remain friends kahit tapos na ang show. Mahirap humanap ng kaibigan kaya treasure the good ones you’ll find along the way.

Eto pa pala, just because we told you na magaling kayo hindi ibig sabihin sa mga darating na shows e deadma na kayo. Iba iba ang characters ng bawat palabas kaya iba rin ang expectations. Ang acting katulad din ng tao naggo-grow. Hindi pwedeng Anna Karenina mode pa rin ang acting nyo sa mga darating nyong shows. Master your craft. Continue learning and experimenting. Huwag kalimutan ang puso sa pag-arte. Iba pa rin kasi kapag nakakaantig ka ng damdamin. You can fake the tears but with emotions, the viewers will know when it’s fake. You have to immersed yourself into the character so you can portray it better.

It’s been a pleasure working with you girls. Thank you for all the wonderful experiences together! I look forward to working with you all soon. Goodluck!Keep in touch.

Love,
Rebya

PS

Invited kayo sa house warming party ko sa December. To follow muna ang details bilang ginagawa pa e. Hahahaha! Pero sure daw December tapos yon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s